Chism bagong import ng Magnolia
MANILA, Philippines — Sa bitbit na 4-5 record ay kailangan ng Magnolia na ipanalo ang huli nilang dalawang laro para makasama sa eight-team quarterfinals cast ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.
Kaya naman hinugot ng Hotshots si import Wayne Chism, naglaro para sa NLEX Road Warriors, sa hangaring makasikwat ng tiket sa quarterfinals ng mid-season conference.
Ang 6-foot-8 na si Chism ang magiging ikaapat na reinforcement ng Magnolia matapos sina Vernon Macklin, Curtis Kelly at Justin Jackson.
“He is a more complete player, he knows how to play here, and I think he can help us a lot in terms of his experience,” sabi ni coach Chito Victolero sa 31-anyos na si Chism muling makakasama si combo guard Paul Lee.
Lalabanan ng Hotshots ang Road Warriors sa Hulyo 4 sa pagbabalik ng mga aksyon matapos ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
- Latest