^

PSN Palaro

‘Triple Tower’ ng Foton masusukat sa F2 Logistics

FCagape - Pilipino Star Ngayon
‘Triple Tower’ ng Foton masusukat sa F2 Logistics
Haharapin ng 2015 at 2016 Grand Prix champion Tornadoes ang 2017 Grand Prix title holder Cargo Movers sa alas-6 ng gabi pagkatapos ng laban ng Lifesavers at Lady Fighting Maroons sa alas-4 ng hapon.
File

MANILA, Philippines — Masusubukan ng F2 Logistics ang bagong ‘Triple Tower’ ng Foton Tornadoes sa kanilang paghaharap ngayon sa pagbubukas ng 2018 Philippine Superliga (PSL) Invitational Confe­rence sa Smart Araneta Coliseum.

Haharapin ng 2015 at 2016 Grand Prix champion Tornadoes ang  2017 Grand Prix title holder Cargo Movers sa alas-6 ng gabi pagkatapos ng laban ng Lifesavers at Lady Fighting Maroons sa alas-4 ng hapon.

Matapos matalo sa finals noong nakaraang 2018 Grand Prix, hangad nina Aby Maraño, Kim Fajardo, Cha Cruz, Kim Dy, Desiree Cheng at Majoy Baron na bumawi kaya susukatin nila ang isa pang title contender na Foton na pangungunahan ng bagong ‘Triple Tower’ na sina dating Ateneo Lady Eagles 5’11 Bea de Leon,  6’3 Dindin Santiago-Ma­nabat  at 6’5 Jaja Santiago.

Bukod  kay De Leon at magkapatid na Santiago,  kasama rin sa Foton sina Diana Mae Carlos, Gyzelle Sy, Isabel Molde, Ivy Perez, team captain Maika Ortiz at Joy Rosario.

“Sa tingin ko lang, wa­lang team-to-beat ngayon dahil halos lahat ng kopo­nan ay malalakas kaya sa hard work at will to win na lang talaga magka-alaman,” ani Foton coach Rommel Abella.

2018 PHILIPPINE SUPERLIGA

FOTON TORNADOES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with