^

PSN Palaro

Cignal handang idepensa ang titulo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makikipagsabayan ang Cignal kontra sa matitikas na koponan para maipagtanggol ang kanilang korona sa PSL Invitational Conference na hahataw sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Babanderahan ang tropa nina seasoned spiker Rachel Anne Daquis, national pool member Mylene Paat, Janine Navarro at Rialen Sante.

Makakasama ng apat sina middle blockers Cherry Vivas at Shirley Sal­amagos, playmaker Acy Masangkay at libero Jheck Dionela.

“We’re devising some plays, especially for Rachel. We know that she’s been hampered with injuries the past couple of conferences. We want to bring back her confidence. We want her to lead us back to the title. She is our leader,” wika ni Cignal head coach Edgar Barroga.

Sa kabila ng pagkawala ng ilang key players, tiwala ang HD Spikers na maduplika ang kanilang tagumpay noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga nawala sa tropa sina Jovelyn Gonzaga at Janine Mar­ciano dahil sa kani-kanilang injuries habang lumipat si Honey Royse Tubino sa Cocolife sa Grand Prix bago muling lumundag sa Smart sa edisyong ito.

Wala na rin sina Chie Saet at Paneng Mercado na napunta sa Petro Gazz na naglalaro sa Premier Volleyball League.

Gayunpaman, handa ang HD Spikers na maki­pagsabayan laban sa mala­lakas na tropa partikular na ang Petron, F2 Logistics at Foton.

CIGNAL

PSL INVITATIONAL CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with