Skippers nakabangon agad

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng Marinerong Pilipino ang ngitngit nito sa Batangas matapos itarak ang impresibong 106-64 demolisyon kahapon sa 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagsanib-puwersa sina Robbie Manalang at Trevis Jackson para tulungan ang Skippers na maitala ang 53-24 kalamangan sa first half.

Mula rito, hindi na naka­porma pa ang Generals para tuluyang angkinin ng Skippers ang kanilang ikalawang panalo.

Magandang panalo ito upang maibalik ang kumpiyansa ng Skippers matapos lumasap ng 88-71 kabiguan sa Che’Lu Bar and Grill noong nakaraang linggo.

Nakalikom si Manalang ng kabuuang 20 puntos tampok ang apat na three-pointers habang nagdag­dag naman si Jackson ng 19 markers, apat na rebounds at apat na dimes.

Sumali sa atake sina Jorey Napoles, Abu Tratter at Javi Gomez de Liaño nang magtulung-tulong ang mga ito sa pagko­lekta ng 30 points at 36 rebounds.

Umangat ang Skippers sa 2-1 baraha.

Sa ikalawang laro, igi­nupo ng CEU  ang AMA Online Education, 96-85 para sumulong sa 2-2  baraha.

Show comments