BOSTON -- Isa ang Celtics sa mga koponang nagpahayag ng interes na makuha ang serbisyo ni LeBron James sakaling umalis ang NBA superstar sa kampo ng Cleveland Cavaliers.
Sakaling mangyari ito ay magsasamang muli sina James at star guard Kyrie Irving.
Sinabi ni Irving na wala pang katiyakan kung matutuloy ito.
“In this business, I’ve experienced it all and I’ve seen a lot, so we’ll see what management decides,” wika ni Irving sa mga reporters kahapon.
Humiling si Irving ng trade sa Cavaliers sa nakaraang offseason matapos maglaro sa anino ni James ng tatlong seasons.
Ngayon ay maaaring iwanan ni James ang final year ng kanyang kontrata sa Cleveland, winalis ng Golden State Warriors, 4-0 sa nakaraang NBA Finals.
“Obviously, it’s a business at the end of the day,” wika ni Irving. “Ownership and management, they’re going to feel what’s best for our future and I’m fully supportive of (them). We’ll see what happens.”
Puwedeng pumirma si Irving sa isang contract extension bagama’t tatanggap siya ng $80 milyon sa susunod na offseason.
Hindi siya natunghayan sa 60 laro ng Boston dahil sa knee injury na nangailangan ng surgery.
Sa kabila ng hindi paglalaro nina Irving at forward Gordon Hayward ay muntik pa ring pumasok ang Celtics sa NBA Finals kundi lamang tinalo ni James at ng Cavaliers sa Game Seven ng Eastern Conference finals.
Inaasahang magiging handa si Irving sa pagsisimula ng training camp ng Boston.