Pontejos tumirada ng gold sa FIBA shoot-out

Si Janine Pontejos kasama si SBP executive director Sonny Barrios.
Kuha ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kung mayroon mang ka­rangalan na nakuha ang Pilipinas sa 2018 FIBA 3x3 World Cup, ito ay ang women’s shoot-out crown.

Pinagreynahan ni natio­nal women’s team member Janine Pontejos ang shoot-out contest matapos mag­salpak ng 14 points sa loob ng 41.86 segundo kahapon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tinalo ng dating tirador ng  Centro Escolar Univer­sity si Russian bet Ale­xan­­dra Stolyar na nagtala rin ng 14 points ngunit sa mas ma­bagal na 49.9 segundo.

“Proud pa rin ako na ka­hit second or third man ma­kuha ko, basta makapa­sok ako dito sa finals,” sabi ni Pontejos.

Umabante si Pontejos sa final round matapos mag­­salpak ng 6 points sa lo­ob ng 22 segundo sa qua­lifying round noong Linggo.

Ang iba pang lumahok sa shootout competition ay sina Marin Hrvoje ng Croa­tia at Maksim Dybivskii ng Russia na nagtala ng 11 at 8 points, ayon sa pagkaka­sunod.

Nakatuwang ni Ponte­jos sa Philippine squad si­­na center Jack Animam, Af­ril Ber­­nardino at Gemma M­i­ran­da.

Tinapos ng koponan ang kanilang kampanya sa torneo na may 0-4 record.

Natalo ang Nationals sa No. 4 Netherlands (11-21), No. 11 Germany (10-12), No. 12 Spain (17-21) at sa No. 3 Hungary (15-18).

Show comments