Pinay cagers talsik sa FIBA 3x3 World Cup
MANILA, Philippines — Dahil sa nalasap na ikatlong sunod na kabiguan ay tuluyan nang namaalam ang Philppine women’s team sa 2018 FIBA 3x3 World Cup.
Yumukod ang mga Pinay cagers laban sa mas malalakas at mas matatangkad na Spain squad, 17-21, sa kabila ng iniskor na 13 points ni Janine Pontejos kahapon sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Nag-ambag si Gemma Miranda ng 3 points, habang may 1 points si Afril Bernardino para sa tropa ni head coach Patrick Aquino.
Nakatakda pang labanan ng Philippine team ang Hungary kagabi para sa kanilang pang-apat na asignatura sa torneo.
Kinuha ng mga Pinay ang 10-8 abante bago sila nalagay sa penalty sa 6:50 minuto ng laro na siyang sinamantala ng mga Spaniards, ang No. 12 ranked, para iposte ang 3-0 record sa Pool D.
Sinelyuhan ni Paula Palomares, kumamada ng 11 points, ang panalo ng Spain mula sa kanyang undergoal stab para sa final score.
Nagdagdag sina Aitana Cuevas Mediavilla at Nuria Martinez Prat ng tig-4 markers.
Samantala, sasagupain naman ng No. 19 Philippine men’s team ang No. 14 Canada ngayong alas-4:50 ng hapon bago harapin ang No. 3 Russia sa alas-7 ng gabi sa Pool C.
Matapos talunin ang No. 6 Brazil, 15-7, ay nakatikim naman ang mga Pinoy ng 17-21 pagkatalo sa No. 11 Mongolia noong Sabado.
“We have to be better. We have to learn to play the 3x3 way,” sabi ni national team coach Ronnie Magsanoc sa tropa nina Stanley Pringle, Christian Standhardinger, Troy Rosario at RR Pogoy.
- Latest