MANILA, Philippines — Tiwala si Prince Albert Pagara na magwawagi laban kay Laryea Gabriel Odoi ng Ghana sa kanilang WBO Intercontinental Super Bantamweight championship ngayon sa “Pinoy Pride 44: Laban sa Leyte sa Maasin City gym.
Ito na ang pagbangon ni Pagara mula ng matalo via 8th round knockout kay Cesar Juarez ng Mexico noong nakaraang taon.
Tangan ni Pagara ang 29-1, 20 KOs record habang si Odoi ay mayroon ding 20-3-2, 14 KOs record sa kanilang laban para sa bakanteng WBO Intercontinental crown.
Hangad ni Pagara ang panalo upang muling magkaroon ng tsansa para bumawi kay Juarez.
Bukod kay Pagara, lalaban din para sa bansa si Jeo “Santino” Santisima kontra kay KaybLikit Chane ng Thailand para sa bakanteng WBO Oriental Superbantamweight title bout.
Hindi pa nakatikim ng talo si Santisima kaya inaasahan ang magandang laban.
Hawak ni “Santino” ang 15-2, 13 Kos record habang si KaybLikit Chane ay mayroong 16-6, 10 KOs record.
Ang ‘Pinoy Pride 44: Laban sa Leyte’ ay mapanood sa S+A at S+A HD sa darating na Linggo (Hunyo 10), alas-12 ng tanghali at may replay sa primetime alas-6 ng gabi.