^

PSN Palaro

Ratings ni Jerwin: 6

Pilipino Star Ngayon

FRESNO, Ca. - - Hindi pa alam ng kampo ni IBF superflyweight cham­pion Jerwin Ancajas kung sino ang susunod niyang makakalaban matapos ang unanimous decision win laban kay Jonas Sultan, Sabado (Linggo ng umaga sa Manila) sa Save Mart Center dito.

Pero, isa ang tiniyak ni Joven Jimenez, ma­nager/trainer ni Ancajas - - mas hihigpitan niya ang ensayo ng boksingero at babawasan na rin ang mga lakad habang naghahanda ito sa laban.

“Nahirapan kasi siya dahil malayo ‘yung training camp namin (sa Cavite), tapos panay imbitasyon sa kanya papunta sa Manila,” lahad ni Jimenez, na ang tinutukoy ay ang mga imbitasyon kay Ancajas sa kasagsagan ng pagha­handa nito para kay Sultan.

“Mabait lang kasi talaga si Jerwin, pero, next time, kailangan bawasan ang pagl­abas-labas niya sa training camp,” ani Jimenez.

Ang paghihigpit na gagawin ni Jimenez ay may kinalaman sa naging kundisyon ni Ancajas na kitang-kita sa naging takbo ng laban kay Sultan.

“Sobrang bagal niya,” ani Jimenez. “Hindi ko ma-explain pero first round pa lang, nakita ko na hindi maganda, parang walang sigla. Kita ko pagod na, kaya hindi ko pinaapura ‘yung  laban, tinipid namin ‘yung stamina niya, maha­laga makaabot ng round.”

Ayon kay Jimenez, 6 lang ang gradong ibinigay niya sa performance ni Ancajas.

“Sa akin 6 lang (ratings). Wala talaga ‘yung dating nakita ko sa nakaraang fight niya,” dagdag pa ni Jimenez.  (VTRomano)

Related video:

IBF SUPERFLYWEIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with