CLEVELAND — Kumamada ang Cavaliers sa second quarter na tinampukan ng pagbibida ni Le-Bron James para balikan ang Boston Celtics, 109-99 sa Game Six ng Eastern Conference finals.
Sa pangunguna ni James ay umiskor ang Cleveland ng 34 points sa second period kumpara sa 18 ng Boston para itabla sa 3-3 ang kanilang best-of-seven series.
“Greatness,” sabi ni Cavs coach Tyronn Lue kay James. “Championship pedigree. Giving it his all. We needed that, especially when Kevin went down. We had to play ‘Bron as many minutes as he had to. He delivered. He was up for the challenge. He carried us home as usual.”
Hindi natapos ni Kevin Love ang laro matapos magkaroon ng head injury mula sa banggaan nila ni Celtics rookie Jayson Tatum sa first quarter.
Gagawin ang Game Seven sa Boston sa Lunes (Manila time).
Tumapos si James na may 46 points mula sa 17-of-33 fieldgoal shoo-ting para banderahan ang Cavaliers, balak muling sibakin ang Celtics sa ikalawang sunod na taon.
Nagdagdag si George Hill ng 20 points habang tumipa sina Jeff Green at Larry Nance ng 14 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.
Pinangunahan naman ni Terry Rozier ang Boston mula sa kanyang 28 points kasunod ang 27 markers ni Jaylen Brown.
Nag-ambag sina reserves Marcus Morris at Marcus Smart ng tig-10 points para sa Celtics, nakalapit sa seven-point deficit sa fourth quarter matapos makabangon buhat sa double-digit lead ng Cavaliers.
Ang back-to-back three-pointers naman ni James sa loob ng 43 segundo ang muling naglayo sa Cavs sa 107-96 para tuluyan nang biguin ang anumang paghahabol ng Celtics.