^

PSN Palaro

Batangueños pasasayahin ng PBA

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(Batangas City Coliseum)

7 p.m. Smart National Team vs Luzon All-Stars

MANILA, Philippines — Matutunghayan ng mga fans ang mga dumadagundong na slam-dunk at suwabeng-suwabeng three-point shots sa second stage ng 2018 PBA All-Star Game bukas sa Batangas City Coliseum.

Sa alas-4 ng hapon sisimulan ang skills cha­llenge sa pamamagitan ng Obstacle Course kasunod ang three-point shootout at slam-dunk competition.

Babanderahan ni da­ting MVP winner Asi Taulava ang mga big men sa Obstacle Challenge kasama sina Sonny Thoss, Raymond Aguilar, JP Erram, Kelly Nabong, Russell Escoto, Ken Bono, Justin Chua, Aldrech Ramos, Beau Belga, Gabby Espinas at Yousef Taha.

Hahamunin naman ang lakas ng nagdedepensang si Chris Newsome sa slam dunk contest katapat sina Rey Guevarra, Mat Rosser, Marion Magat, Renz Palma at Lervin Flores.

Itataya naman ni Allein Maliksi ang kanyang korona sa three-point shootout.

Matapos ang skills challenge ay papagitna ang All-Star Game sa ganap na alas-7 ng gabi.

Tinalo ng Nationals ang Luzon All Stars sa Lucena noong 2017 PBA All-Star Games.

2018 PBA ALL-STAR GAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with