^

PSN Palaro

Galedo todo ang paghahanda para sa Le Tour

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puspusan na ang paghahanda ni Mark John Lexer Galedo ng 7-Eleven Road Cliqq Roadbike Philippines upang mabawi ang korona sa prestihiyosong Le Tour de Filipinas na nakatakdang lumarga sa Linggo.

Sa katunayan, lumiban si Galedo sa Hors Category 2.1 Le Tour de Langkawi noong Marso dahil nais nitong isentro ang kanyang atensiyon sa Le Tour de Filipinas na nag-iisang International Cycling Union (UCI)-sanctioned road race sa bansa.

“I want to win again,” anang 32-anyos na si Galedo na gold medallist sa individual time trial noong 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.

Mapapalaban si Galedo sa 79 iba pang riders mula sa 16 koponang lalahok sa torneong magsisimula sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City  at magtatapos sa Burnham Park sa Baguio City.

Sisikad ang karera sa Liwasang Aurora sa elliptical circle para sa 157.50-km Stage 1 na magtatapos sa Palayan City, Nueva Ecija.

Aariba ang Stage 2 mula Cabanatuan City patungong Bayombong, Nueva Vizcaya na may layong 157.90-km.

Pangungunahan ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines ang local teams kasama ang Go For Gold, Philippine Navy Standard Insurance, Philippine National Team, Bike X Philippines at CCN Philippines.

vuukle comment

7-ELEVEN ROAD CLIQQ ROADBIKE PHILIPPINES

LE TOUR DE FILIPINAS

MARK JOHN LEXER GALEDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with