Cauley-Stein, Swoopes darating sa Manila para gabayan ang 2018 Jr. NBA Phils Finals
MANILA, Philippines — Darating sa bansa sina Willie Cauley-Stein ng Sacramento Kings at dating WNBA player at Hall of Famer Sheryl Swoopes para tulungan ang finalists ng 2018 Jr. NBA Philippines na iniharap bilang programa ng Alaska.
Ang naturang National Training Camp ay sinalihan ng mahigit 75 lalake at babae na may edad-10 hanggang 14 sa Don Bosco Technical Institute Gym sa Mayo 19 at sa SM Mall of Asia Music Hall sa Mayo 20.
Sina Cauley-Stein at Swoopes ay tutulong sa pagpili sa walong kabataang lalake at walong babae para kilalanin bilang 2018 Jr. NBA Philippines All-Stars.
Sina Cauley-Stein at Swoopes ay mag-coach din sa Jr. NBA Alumni All-Star Game.
Ang nasabing 2018 All-Stars ay pupunta sa Shanghai, China sa Oktubre at manonood ng NBA China Games 2018 na tatampukan ng Philadelphia 76ers at Dallas Mavericks.
“Filipinos are among the most passionate basketball fans in the world and I’m eager to work with these dedicated young players who have earned the right to be chosen as Jr. NBA All-Stars. I’m excited to share my basketball knowledge and help the kids become the best version of themselves on and off the court,” sabi ni Cauley-Stein.
“Participating in sports and having proper nutrition are both integral parts of a child’s holistic development as it touches on physical, emotional and mental well-being. Through the Jr. NBA program, I look forward to this opportunity to contribute to our goal of getting more kids, especially girls, to play the game of basketball and help them understand how working hard on their craft in the same way it opened doors for my career, can unlock greater opportunities in life,” ayon naman kay Swoopes.
Si Cauley-Stein ay nakuha bilang 6th overall sa 2015 NBA Draft at pinangalanan bilang NBA All-Rookie Second Team noong 2016.
Gumawa si Cauley-Stein ng 12.8 puntos, 7 rebounds at 2.4 assists averaged kada laro sa Kings.
Sa kabilang panig, si Swoopes naman ay pumirma sa Houston Comets noong 1997 WNBA season at naging four-time WNBA Champion, six-time WNBA All-Star, three-time WNBA MVP at Olympic gold medalist.
Kabilang si Swoopes sa WNBA’s Top 15 Players of All Time, sa kabuuang 12 seasons sa WNBA.
Bukod sa Houston Comets naglalaro rin si Swoopes sa Seattle Storm at sa Tulsa Shock bago iniluklok sa Naismith Memorial noong 2016 at sa Women’s Basketball Hall of Fame noong 2017, ayon sa pagkakasunod.
- Latest