Pangulong Duterte special guest sa PNG

MANILA, Philippines — Matapos sa nakaraang 2018 Palarong Pambansa sa Vigan ay pangungunahan na­­man ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makulay na opening ceremony ng nalalapit na Philippine National Games sa Cebu City.

“We’re all ready. Everything is set,” sabi kahapon ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez. “The President will be there as well as Ricky Vargas of the POC.”

 Nakatakda ang 2018 PNG sa Mayo 19 hanggang 25 sa Abellana Sports Complex na magtatampok sa mga national athletes at training pool members.

Noong nakaraang buwan ay nagsilbing keynote speaker si Pangulong Duterte sa pagbubukas ng 2018 Palarong Pambansa sa Vigan, Ilocos Sur.

Noong 2017 ay naging panauhin din ang Presidente sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa San Jose, Antique.

Sinabi pa ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, namamahala sa PNG, na inim­bitahan din nila sa opening ceremony sina Executive Secretary Salvador Medaldea, Cabinet Sec. Leoncio Evasco, Jr. at Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.

Ang 21 sports event na nakalatag ay ang athletics, swimming, archery, arnis, bad­minton, baseball, basketball, billiards, boxing, chess, football, futsal, gymnastics, se­pak takraw, softball, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball, wrestling at wushu, sa­mantalang magsisilbing demonstration events ang aero gymnastics, dancesports at pencak silat.    

Show comments