Triple Crown series sa San Lazaro

MANILA, Philippines — Pangungunahan ng Smart Candy ang anim sa pi­nakamabibilis na tho­­roughbreds sa bansa sa first leg ng prestihiyosong ra­cing extravaganza pa­ra sa mga three-year-old hor­­ses -- ang Philippine Ra­­cing Commission (Phil­racom)-backed Triple Crown series sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nakamit ng SC Stockfarm three-year-old filly ang dalawa sa tatlong legs ng Philracom 3YO Stakes Race series ngayong taon.

Sa pagdadala ni jockey Kevin Abobo, nanalo ang Smart Candy sa second leg ng 3YO series na may dis­tansyang 1,500-meter race noong Marso at sa 1,600-meter third leg sa su­munod na buwan.

Hangad ng Smart Can­dy na maduplika ang na­gawa ng SC Stockfarm sta­blemate na Sepfourteen, wi­nalis ang tatlong legs ng Triple Crown series noong nakaraang taon na nagpu­tong sa dating 3YO colt bi­lang Philippine Sports­wri­ters Association 2017 Horse of the Year.

“The first leg of the Triple Crown is such an important race in the series, because its winner is the only one with the chance to go all the way for the rare 3-peat,” sabi ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez. “I’m sure it will be a battle royale among the seven horses on Sunday.”

Makakasukatan ng Smart Candy ang stablemate na Box Office, ang Mi­sha ni Leonardo Javier Jr., ang Talitha Koum ni George Raquidan, ang Vic­torious Colt ni Antonio Zial­cita at ang Wonderland at Speedmatic ni Herminio Es­guerra.

Kabuuang premyong P3 milyon ang nakataya sa karera na tatakbuhin sa dis­­tansyang 1,600 metro kung saan ang P1.8 milyon ay ibi­bigay sa champion horse at ang P675,000 sa runner-up.

Tatanggap ang third at fourth pla­cers ng P375,000 at P150,000, ayon sa pagkakasunod, at ang breeder’s purse ay P10,000.

Pakakawalan din sa Linggo ang P1-million 2018 Philracom Hopeful Stakes Race at ang 3YO Locally Bred Stakes Race.

Show comments