Nagbunga ang sakripisyo ng Blaze Spikers

Ang pagdiriwang ng Petron Blaze Spikers matapos talunin ang F2 Logistics Cargo Movers sa Game Three ng PSL Grand Prix.
(Kuha ni Joey Mendoza)

Sa pag-angkin sa kampeonato ng PSL Grand Prix

MANILA, Philippines — Walang dudang na­ging emosyunal ang Petron ma­tapos makamit ang korona ng Chooks to Go-Philippine Su­perliga (PSL) Grand Prix no­ong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Binanderahan nina imports Lindsay Stalzer at Ka­therine Bell ang Blaze Spikers sa 25-19, 25-20, 22-25, 25-18 paggupo sa karibal na F2 Logistics Car­go Movers sa Game Three ng kanilang best-of-three finals series.

Tatlong taon nangarap ang Petron na muling mag­reyna sa PSL.

“Of course, it feels ama­zing,” wika ni Stalzer matapos makuha ang kanyang ikalawang Grand Prix title at pangalawang Most Va­luable Player award sa pres­tihiyosong torneo na iti­na­guyod ng Isuzu at UCPB Gen kasama ang ESPN5 bilang official broadcast part­ner.

“Last season left a bitter taste in my mouth. So, it’s so awesome when you set a goal and you work to­wards that goal every single day and it finally paid off. It’s a great feeling for all of us,” dagdag pa ng American spi­ker.

Matapos matalo sa Car­go Movers sa finals ng Grand Prix noong nakaraang taon ay pinanatili ng Blaze Spikers ang kanilang mga core players na sina Stal­zer, Hillary Hurley, Rhea Dimaculangan, Aiza Maizo-Pontillas, Frances Mo­lina, Carmela Tunay, Mi­ka Reyes at Remy Palma.

Ngunit nangyari ang hin­di inaasahan.

Nagkaroon si Hurley, ang best offensive weapon ng Petron, ng ankle injury sa krusyal na bahagi ng clas­sifications at sa quarter­finals laban sa Generika-Aya­la.

Hinugot ng Blaze Spi­kers si Bell bilang kapalit ni Hurley.

Sa likod ni Bell ay nag­ta­la ang Petron ng back-to-back wins kontra sa Co­colife sa semifinals.

At sa Game One ng Fi­nals ay humataw si Bell ng 42 points – ang pinakama­taas na scoring output ma­tapos ang 56 points ni Cu­ban Gyselle Silva noong nakaraang buwan.

“Kath provided an immense support to me,” wi­ka ni Stalzer. “Just all the things she said to me, the appreciation and the maturity and the composure that she has, I’m so grateful and lucky that she joined our team.”

“She’s a high class, high level player,” dagdag pa ni­to.

Hindi rin naitago ni Pet­ron head coach Shaq Delos Santos ang kanyang ka­si­yahan.

“After three conferences of the Grand Prix, finally we made it,” ani Delos Santos, dating assistant coach nang magreyna ang Blaze Spikers sa Grand Prix title noong 2014.

Show comments