UP Maroons naghari sa UAAP men’s football
MANILA, Philippines — Muling nakamit ng University of the Philippines ang korona matapos sumipa ng 1-0 panalo laban sa University of Santo Tomas sa UAAP Season 80 men's football tournament kahapon sa Rizal Memorial Stadium.
Mula sa free kick ni JB Borlongan ay kumonekta si graduating skipper Ian Clariño ng goal sa ika-21 minuto para sa panalo ng Maroons.
Ito ang ika-18 korona ng UP at tinapos ang torneo na may 12 wins at 4 draws.
Noong 2012 ay nagtala din ang Maroons ng 12-0 record kung saan nila tinalo ang UST para sa kampeonato.
Hinirang si Clariño bilang season MVP at Best Defender at napasakamay ng kanyang teammate na si Fidel Tacardon ang Rookie of the Year trophy.
“Ang UST malakas sila. Hindi sila sumuko until the final whistle,” sabi ni Clariño, ang kuyang si Gino ay naglaro sa kanyang final season para sa Tigers.
Ang iba pang individual winners ay sina Jarvey Gayoso (Best Striker) ng Ateneo at Darius Diamante (Best Midfielder) ng La Salle.
Nakuha ng Green Archers ang Fair Play award.
- Latest