^

PSN Palaro

3-peat sa La Salle?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Smart Araneta)

12nn ADMU vs NU

4pm DLSU vs FEU

MANILA, Philippines — Puntirya ng nagdedepensang De La Salle University na tapusin na ang serye sa pakikipagtipan nito sa Far Eastern University sa Game 2 ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament best-of-three championship series ngayong hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Magkukrus ang landas ng Lady Spikers at Lady Tams sa alas-4 ng hapon.

Nakalapit sa inaasam na three-peat ang La Salle matapos ilampaso ang FEU sa series opener no­ong Sabado, 29-27, 25-21, 25-22.

Ngunit hindi pa tapos ang laban.

At alam ni Lady Spi­kers head coach Ramil De Jesus na gagawin ng Lady Tamaraws ang lahat upang maipuwersa ang rubber match.

“Pipilitin namin na ma­kuha yung Game 2 dahil mahirap na kapag umabot pa sa Game 3. Lamang ang FEU sa attacks nung Game 1. Pinag-aralan namin ang performance nila at kung paano sila mako-control,” ani De Jesus.

Aasahan ng La Salle ang beteranong sina Kim Kianna Dy, Majoy Baron, Tin Tiamzon at  Desiree Cheng sa attack line.

Kailangan din nina libero Dawn Macandili at setter Michelle Cobb ng magandang koneksiyon para makabuo ng solidong plays para sa mga La Salle spikers.

Sa men’s division, target ng National University na hubaran ng korona ang Ateneo sa Game 2 ng kanilang sariling best-of-three finals series.

Sinakmal ng Bulldogs ang matikas na 25-20, 25-19, 25-23 panalo sa Game 1 kontra sa Blue Eagles. 

UAAP SEASON 80 WOMEN’S VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with