Paghahanda sa 10th ASEAN Para Games sinimulan na

MANILA, Philippines — Sinimulan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, ang Chairman ng 10th ASEAN Para Games, ang paghahanda para sa 10th ASEAN Para Games sa Manila na suportado ng Philippine Paralympic Committee (PPC) at Philippine Sports Commission (PSC).

Ang Para Games ay lalahukan ng 11 bansa na maglalaban-laban sa 20 sports na may nakalatag na 400 events.

Humigit-kumulang sa 2,000 para athletes, 1,000 team officials, 1,500 technical officials at 100 medical staff ang magiging partisipante sa Para Games.

Kabuuang 4,000 local volunteers ang gagamitin para sa nasabing event.

Nakipagkamay si Secretary Cayetano kay PPC President Mike Barredo sa harap nina (mula sa kaliwa) PPC Marketing Director Debbie Tolentino, Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Arnold Agustin at PPC Vice President Tom Carrasco Jr.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pamamahalaan ng bansa ang biennial event matapos ang ikatlong edisyon nito noong 2005.

Show comments