Ateneo, UP hangad ang Finals slot

MANILA, Philippines — Tatangkain ng nagdedepensang Ateneo at University of the Philippines na kaagad tapusin ang kani-kanilang la­­ban sa Final Four sa UAAP Season 80 men's football tour­nament sa Rizal Memorial Stadium.

Lalabanan ng No. 2 Blue Eagles ang No. 3 University of Santo Tomas Tigers ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng No. 1 Fighting Maroons sa No. 4 De La Salle Green Archers sa alas-4.

Ang mananalo sa dalawang laro ang aabante sa one-game championship sa Mayo 3.

Sa likod ni reigning MVP Jarvey Gayoso, tinapos ng Ate­neo ang elimination round bitbit ang 32 points.

Nagposte si Gayoso, anak ni dating PBA guard Jay­vee Ga­yoso, ng league-best na 15 goals sa elims.

Show comments