^

PSN Palaro

Laurente binugbog ang Japanese pug

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umusad sa second round si Children of Asia gold medallist Criztian Pitt Laurente sa boys’ bantamweight (56 kg.) division sa 2018 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships na ginaganap sa Indoor Stadium of Huamark sa Bangkok, Thailand. 

Naitala ni Laurente ang 5-0 unanimous decision win laban kay Reo Ni­shioka ng Japan sa first round ng torneong nilahukan ng mahigit 200 boxers mula sa 30 bansa.

Pare-parehong ibinigay ng mga huradong sina Yusupov Bekjon ng Uzbe­kistan, Meretnyanov Ishangguly ng Turkmenistan, Otgobayar Mandakhbayar ng Mongolia, Sadie Duffy ng Ireland at Zhang Guo ng China ang 30-27 pabor sa Pinoy pug.

Sunod na haharapin ni Laurente si Ahmadi Hasibullah ng Afghanistan na nakakuha ng opening round bye.

Susuntok naman ng tiket sa quarterfinals sina Criz Russu Laurente at Milenino Anduyan laban sa kani-kanilang karibal.

Lalarga si Criz Russu kontra kay Yhlas Lylychjanov ng Turkmenistan sa boys’ light flyweight (46-49 kg.) habang sasagupain ni Anduyan sa boys’ flyweight (52 kg.) si Jung Jihoon ng South Korea.

Nakahirit ng opening-round bye sina Criz Russu at Anduyan sa event na magsisilbing qualifying para sa prestihiyosong 2018 Youth Olympic Games na idaraos sa Buenos Aires, Argentina sa Oct. (CCo)

2018 ASBC ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS

PITT LAURENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with