MANILA, Philippines — Aminado si Filipino boxing icon Manny Pacquiao na malakas ang kalabang si Lucas Matthysse na nakatakda niyang harapin sa darating na Hulyo 15 sa Malaysia.
Ngunit hindi umano ito dahilan para ‘di niya mapabagsak ang World Boxing Association welterweight champion na si Matthysse gayung handa siyang harapin ang lahat ng pagsubok at panganib upang bigyang kasiyahan ang kanyang mga tagahangang Pinoy.
“In any fight there is a risk, but it depends on how you prepare for it,” pahayag ng Filipino boxing idol na si Pacquiao, hawak ang ring record na 59 wins, tampok ang 38KOs 7 talo, 2 draw, sa kanyang pagharap sa media sa press conference na ginanap kahapon sa City of Dreams.
Ayon kay Pacquiao, pangarap niya na mapatumba sa pamamgitan ng knockout ang kanyang magiging katunggali na si Matthysse sa araw ng kanilang paghaharap, tatlong buwan mula ngayon.
“That’s my goal, to get that knockout. But I am not predicting the fight. I just want to make our fans happy,” ayon pa sa 39-anyos na boxing great. “What we want is to get an opponent that can give excitement to the fans. At naniniwala ako na si Matthysse ang isa sa pikamagandang kalaban ko, because of his style.”
Hawak ng 36-anyos na si Matthysse ang record na 39 panalo at 4 na talo, sa nasabing mga panalo ay 36 dito ang mula sa knockout at kilala ito sa kanyang pagiging matinik na boksingero buhat sa Argentina.
“He is dangerous, he is the champion. But I do believe we can box him out and control the fight. that’s why I think we really need to have a good training camp,” pahayag ng fighting Senador.
Nakatakdang magsanay ang Pambansang Kamao ng sampung linggo sa Manila, bago niya itutuloy ang nasabing pagsasanay sa Malaysia ilang araw bago ang kanilang pagtutuos ni Matthysse.
Ito ang unang laban ni Pacquiao sa ilalim ng kanyang sariling promosyon na MP sa pakikipagtulungan ng Golden Boy Promotions ni Oscar De La Hoya.
Samantala, nais ni Pacquiao imbitahan na manood sa ringside ang Pangulong Rodrigo Roa-Duterte para saksihan ang pagpapabagsak kay Matthysse.
“If the President is not busy, I want to invite him,” wika ni Pacquiao.
Related video: