Gilas cadets sa Asian Games?
MANILA, Philippines — Posibleng ang Gilas cadets ang gamitin ni national head coach Chot Reyes para sa darating na 2018 Asian Games sa Indonesia sa Agosto.
Ito ay dahil hindi maaaring magpahiram ang mga PBA teams ng kanilang mga players kay Reyes para sa komposisyon ng Gilas Pilipinas sa nasabing quadrennial event.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na magbibigay-daan ang liga para sa FIBA windows sa qualifiers para sa 2019 World Cup sa China at hindi na sila maaaring magkaroon ng break para sa Asian Games.
Magpapahiram ang mga PBA teams ng kanilang mga players sa pagsagupa ng Gilas Pilipinas sa Chinese Taipei sa Hunyo 29 sa Taiwan at laban sa Australia sa Hulyo 2 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. kakampanya rin ang Gilas sa second round ng FIBA Asian Qualifiers sa Setyembre, Nobyembre at Pebrero sa susunod na taon.
Nagkaroon na ang Gilas cadets ng tatlong practice sessions at nakatakdang lumahok sa darating na FilOil Premier Cup.
Kabilang sa mga dumalo sa ensayong pinamahalaan ni Reyes ay sina Ricci Rivero, CJ Perez, J-Jay Alejandro, Paul Desiderio, Juan Gomez de Liaño, Will Gozum, Jeo Ambohot, Arvin Tolentino, Kenneth Tuffin, JV Mocon at Vince Tolentino.
Inimbitahan din si 7-foot-1 Kai Sotto, bumandera sa Batang Gilas sa nakaraang Under-16 championship sa China, para sumama sa Gilas cadets.
Nakatakda ring sumama sa koponan si Kobe Paras na inaasahang darating sa susunod na linggo mula sa United States.
- Latest