PSC nagbigay ng P1million sa PRISAA

MANILA, Philippines — Naglaan ang Philippine Sports Commission ng P1 milyon bilang financial assistance para sa 2018 National PRISAA Sports competition na lalaraga sa Abril 22 sa Tagbilaran, Bohol.

“PSC is mandated not only help national athletes but also other leagues that are source of future stars like PRISAA headed by new president and former PSC Commissioner Fr. Vicente Uy,” sabi ni PSC chairman William Ramirez sa panayam sa kanyang opisina.

Dumalo si Ramirez sa pulong ng PRISAA sa Angeles University Foundation sa Angeles City, Pampanga at nagbigay ng financial assistance sa asosasyon na binubuo ng mahigit 600 private colleges at universities sa buong bansa at may temang “Building Nation Through Sports”.

Mahigit 5,000 atleta ang magtatagisan sa 18 sports kasama ang medal rich athletics, swimming at weightlif­ting kung saan unang nag­laro si Brazil Olympics silver medalist at Asian Weightlifting champion Hidilyn Diaz sa Zamboanga kasama ang kanyang kababayan at Asian Games veteran at ASEAN Weightlifting gold medalist Nestor Colonia.

Kasama sa mga sports  na paglalabanan sa isang linggong meet ang basketball, boxing, chess, lawn tennis, table tennis, wrestling, baseball, sepak takraw, softball, archery at volleyball.

Show comments