Rockets pinatibay ang kapit sa No. 1

LOS ANGELES--Umiskor si point guard Chris Paul ng 22 points habang kumolekta si James Harden ng 21 points at 10 assists para pamunuan ang Houston Rockets sa 105-99 panalo laban sa Lakers.

Ito ang ika-31 tagumpay ng Houston sa huli nilang 34 laro para patibayin ang paghawak sa top seed sa Western Conference.

Nagdagdag si Gerald Green ng 16 points para tulungan ang Rockets na makaiwas sa una nilang back-to-back losses matapos noong Enero 6.

Nagtala naman si Andre Ingram ng 19 points kasama ang apat na 3-pointers para sa Lakers.

Sa Salt Lake City, nagposte si Donovan Mitchell ng 22 points at naglista ng NBA rookie record para sa 3-poin­ters  habang nagdagdag si Derrick Favors ng 16 points at 9 rebounds para tulungan ang Utah Jazz sa 119-79 panalo laban sa Golden State Warriors.

Nag-ambag si Jonas Jerebko ng 14 points kasunod ang tig-13 markers nina Rudy Gobert at Ricky Rubio para sa Jazz.

Ito ang ikaanim na sunod na ratsada ng Utah (48-33) para makalapit sa pag-angkin sa No. 3 seed sa Western Conference kung tatalunin ang Portland Trail Blazers sa Miyerkules.

Tumapos si Klay Thomp­­son na may 23 points at nagdagdag si Kevin Durrant ng 13 mar­kers sa panig ng Warriors, tinapos ang season na  may 58-24 kartada.

Show comments