Malditas tumiklop sa China
MANILA, Philippines — Lumasap ang women’s national football team ng 0-3 kabiguan laban sa powerhouse China sa Asian Football Confederation (AFC) Women’s Asian Cup 2018 kahapon sa King Abdullah Second Stadium sa Amman, Jordan.
Dahil dito, nahulog ang Malditas sa 1-1 rekord sa Group A habang nanguna ang China na may 2-0 marka para masungkit ang semifinals slot at awtomatikong tiket sa FIBA World Cup na gaganapin sa susunod na taon.
“We are a little disappointed with the result because we really did not start the game well. We made some mistakes which allowed China to score two goals and after that I think we found it hard to find a way back into the game,” wika ni Malditas head coach Rabah Benlarbi.
Dalawang goals ang itinala ni Li Ying habang nagdagdag si Ma Jun ng isa pang goal para dalhin ang China sa panalo.
Kinakailangan ng Malditas na manalo laban sa Thailand sa Biyernes upang makasungkit ng tiket sa FIFA World Cup at umabante sa knockout stage ng Asian Cup.
Daraan sa matinding pagsubok ang Malditas dahil galing ang Thailand sa 6-1 panalo sa Jordan.
- Latest