^

PSN Palaro

Pinoy Netters iniskoran ng Thais, 3-1

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Pinoy Netters iniskoran ng Thais, 3-1
Naghanda ng pagsagot sina Francis Casey Alcantara at Johnny Arcilla sa Asia Oceania Zone Group II second round tie.
(Kuha ni Joey Mendoza)

MANILA, Philippines — Bigong malampasan ng Philippine national team ang hamon ng Thailand ma­tapos magwagi si Wi­sha­ya Trongcharoenchaikul laban kay Jeson Pa­trombon, 6-4, 1-6, 7-5, pa­ra sa 3-1 bentahe sa 2018 Asia Oceania Zone Group II Davis Cup second round tie kahapon sa Philippine Columbian Asso­ciation shell clay court sa Plaza Di­lao, Pa­co, Manila.

Sobra ang ipinakitang la­kas ng top seed na si Trongcharoenchaikul  sa kanyang kabuuang 11 aces pa­tungo sa malaking pa­nalo upang iangat ang Thailand sa bentahe sa ka­nilang best-of-five tie.

Dahil sa kanilang pana­lo sa Pilipinas ay nakuha ng Thailand ang fi­nals slot kontra sa ma­na­nalo sa Le­banon at Hong Kong na naglalaro pa habang isi­­nusulat ito kung saan ha­wak ng mga Lebanese ang 2-0 benta­he.

Kaagad nagparamdam ang Thailand sa hu­ling araw ng torneo sa pa­ma­­magitan ng panalo ng kam­­bal na sina Sanchai at Sonchat Ratiwatana sa doubles match kontra kina Johnny Arcilla at Francis Casey Alcantara, 4-6, 7-6 (7-3), 6-1 para burahin ang 1-1 tabla sa singles matches sa unang araw no­ong Sabado.

 “It was a tough win, it took us some time to adjust to the surface but when won the tiebreaker, we gained confidence in our shots and that was it,” sabi ni Sonchat Ratiwatana.

Ibinigay naman nang todo ng Philippine national team kaya lang ay mas higit pa ang inilaro ng kalaban.

“We fell short but I’m hap­py with our performance,” wika ni Alcantara.

“Those were still good matches. The boys played far better from what were expected of them,” ani national coach Chris Cuarto.

2018 ASIA OCEANIA ZONE GROUP II DAVIS CUP

JOHNNY ARCILLA

PHILIPPINE NATIONAL TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with