^

PSN Palaro

Laure na-injured ‘di makakalaro sa UST

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Laure na-injured ‘di makakalaro sa UST

EJ Laure

MANILA, Philippines — Kung may magandang pangyayari sa basketball, isang malungkot na balita naman ang bumungad sa women’s volleyball team ng University of Santo Tomas.

Napaulat na hindi maglalaro si open spiker EJ Laure sa UAAP Season 80 volleyball tournament na magsisimula sa Pebrero.

Ito ay upang ipahinga ang kanyang kanang balikat na may injury.

Hindi napansin ang kanyang injury nang maglaro si Laure para sa two-time champion Foton sa Philippine Superliga Grand Prix kamakailan.

Malulutong na atake ang pinapakawalan nito sa oras na ipinapasok ang 5-foot-9 attacker.

Malaking dagok ito sa kampanya ng Golden Tigresses na itinuturing pa namang isa sa mga contenders sa season na ito kasama ang nagdedepensang De La Salle University, Premier Volleyball League Collegiate Conference titlist National University, Ateneo de Manila University, Adamson University, University of the Philippines at Far Eastern University.

Si Laure ang ikalawang top player ng UST na hindi masisilayan sa Season 80.

Una nang nagdesisyon si middle blocker Ria Meneses na hindi ito magla­laro sa edisyong ito.

Kaya naman maiiwan ang pasanin kina Cherry Ann Rondina at Dimdim Pacres na siyang pinakabeteranong miyembro ng koponan.

Makakasama nito sina Christine Francisco, Shannen Palec, Alina Bicar at Carla Sandoval na inaasahang hahalili sa puwesto ni Laure sa wing position.

Noong Season 79, nakuha ng Golden Tigresses ang tansong medalya sa likod ng Lady Spikers at Lady Eagles.

Nagtapos sa ikatlong puwesto ang UST sa eliminasyon tangan ang 9-5 rekord.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with