Ngayong wala na si Chito Narvasa, abala na ang PBA sa paghahanap ng bagong commissioner.
Ilang pangalan na ang lumutang.
Kalakip ng mga pangalan, sana isama nila ang kani-kanilang mga programang ipatutupad sakaling maluklok sila sa puwesto.
Hindi naman puwedeng porke abogado siya, porke may kapit siya, eh siya na ang dapat maging commissioner.
Kailangang busisiin ng husto hindi lamang ang rekord kundi ang magiging plano nito sa liga.
Kailangan nandun ‘yung puso para sa mga players, sa audience at sa liga sa kabuuan.
Paano niya pangangalagaan ang karapatan ng mga players.
Paano niya tututukan kung paano pa makakahatak ng audience ang liga.
Ano ang plano niya sa buong panahon ng kanyang panunungkulan at kung paano pang mas patatatagin ang PBA.
Apat na dekada na ang liga, paano niya masisiguro na aabot pa ito sa panibagong apat na dekada o higit pa.
Ito ang mga dapat nating alamin sa mga boboto para maluklok ang bagong commissioner.
Kapakanan ng nakararami, hindi kapakanan ng iilan lamang ang dapat unahin.
Good luck sa magiging bagong commissioner.
Sana maging maganda ang pagpasok ng bagong taon ngayong bago na rin ang commissioner ng PBA.