Valdez produktibo ang taong 2017
MANILA, Philippines — Ilang beses niyang isinuot ang uniporme ng Philippine national women’s volleyball team at naglaro bilang import sa Thailand at Chinese-Taipei.
Para kay volley star Alyssa Valdez, ang 2017 ang isa sa mga taon na hindi niya makakalimutan.
“2017 went by so fast and though there was a of challenges, ups and downs, those obstacles made this year quite exciting and life changing,” sabi ng dating Queen Eagle ng Ateneo De Manila University.
Sumabak si Valdez sa mga international competitions kagaya ng 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto at naging unang Pinay na naglaro bilang import sa mga liga sa Thailand at Chinese Taipei.
Kasalukuyang naglalaro bilang import si Valdez para sa Attackline sa Taiwan league matapos kumampanya para sa 3BB Nakornnont sa Thai League.
“I was amazed by all the opportunities that came my way this 2017 and it was just a dream to go out to play for different countries likeThailand and Taiwan,” ani Valdez.
Bagama’t nabigong makapag-uwi ng medalya sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur ay isa nang malaking karangalan para kay Valdez ang maging miyembro ng national team
“Representing the country really made 2017 one of the most unforgettable for me. We may not bring home medals, but we look forward to the future years that we will be able to sue the experiences we got this year,” wika ni Valdez.
Pinasalamatan din ni Valdez ang Creamline, ang kanyang mother club team sa Premier Volleyball League, dahil sa pagpapahiram sa kanya sa national team.
“I’m so happy to find my new home in Creamline. It has been two years after college and it feels so nice to finally say I found a family in my Creamline team,” ani Valdez.
- Latest