^

PSN Palaro

World-class ang hatawan sa rubber match ng F2 Logistics at Petron

AMBETHABOL - Maribeth L. Santos - Pilipino Star Ngayon

Pang-world-class talaga ang bakbakan sa Philippine Superliga (PSL).

Grabe ang paluan sa Finals ng F2 Logistics at Petron na umabot pa sa Game Three.

Gumawa ng kasaysayan ang Cargo Movers bilang kauna-unahang team na nakabangon mula sa 0-1 pagkakabaon sa Finals patungo sa  pagkopo ng kam­peonato ng PSL Grand Prix.

Bilib ako sa fighting spirit ng F2 Logistics. Hindi sila basta-basta sumusuko.

Kahit tinatambakan sila ng kalaban ay hindi sila na­wawalan ng pag-asa.

Sa katunayan, halos abot-kamay na ng Petron ang korona noong Game Two nang kunin ang 9-0 ka­lamangan sa fourth set.

Pero unti-unti itong tinapyas ng Cargo Movers sa pangunguna ni team captain Cha Cruz at dalawang ma­huhusay na imports na sina Maria Jose Perez at Ken­nedy Bryan para makuha ang panalo at maipu­wersa ang rubber match sa serye.

Sa Game Three, talagang ibinuhos na ng F2 Logistics ang buong lakas nito para angkinin ang kanilang ika­lawang titulo sa PSL.

Saludo ako kay Perez na hindi mo halatang may pi­nagdadaanan pala.

Isang araw bago ang Game Three ay namatay ang kanyang kapatid na lalaki dahil sa sakit na cancer.

Pero hindi niya ito ipinaalam sa mga teammates ni­ya dahil ayaw niyang maapektuhan ang konsentras­yon nila.

Sinabi niya lang ito after ng Finals.

Kaya pala sobrang emosyonal si Perez nang hata­win nito ang winning point sa Game Three.

Sulit ang pagod ni Perez dahil ito ang itinanghal na Most Valuable Player.

Humanga talaga ako kay Perez kaya bibigyan ko siya ng five star sa kanyang sakripisyo para dalhin ang F2 Logistics sa kampeonato.

Bitter-sweet ang emosyon ni Perez bago bumalik sa Venezuela para makasama ang kanyang pamilya.

Sana ay muling makapaglaro sa Pilipinas si Perez sa susunod na komperensiya.

Siguradong maraming magagandang alaala na ba­baunin si Perez pagbalik niya sa bansa niya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with