^

PSN Palaro

Unified collegiate sports tutulungan ng PSC

ACordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi magiging problema sa binubuong unified collegiate athletic association ang pondo.

Ito ay matapos tiyakin ni Philippine Sports Commission chairman William Ramirez ang kanilang pagsuporta sa grupong kinakatawan ng lahat ng collegiate sports associations sa buong bansa.

“We will help them with their needs. We will help in the funding,” ani Ramirez sa pagtatapos ng two-day national consultative meeting sa hanay ng mga colleges at universities at sports associations sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hangad ng nasabing grupo na lapitan ang mga pinuno ng iba’t ibang organisasyon at tumawag ng isang pagpupulong sa susunod na buwan para pormalisahin ang pagkakabuo ng isang unified collegiate athletic association.

Magkakaroon sila ng eleksyon para sa paghihirang ng mga opisyales pati na ang pagbabalangkas ng mga guidelines, by-laws at mga programa.

Ang Philippine Sports Institute, may seed money na P300 milyon, ang tutulong sa pondo katuwang ang private sector sa pamumuno ni Presidential Adviser on Sports Dennis Uy.

Nauna nang nagbigay ng suporta sa mabubuong grupo sina Congressmen Mark Zambar at Conrado Estrella III.

Isinama ng unified collegiate sports body sa kanilang mga plano ang sports research, scientific coaching at grassroot sports.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with