^

PSN Palaro

UST, FEU humataw ng ikatlong panalo sa UAAP beach volleyball

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Parehong sumulong sa ikatlong sunod na panalo ang reigning champion na University of Santo Tomas at Far Eastern University sa women’s division ng UAAP Season 80 beach volleyball tournament na idinaos sa Sands SM By The Bay sa Pasay City.

Nakalusot sina Cherry Rondina at Caitlyn Viray ng Tigresses sa pagbabanta nina Bea de Leon at Jules Sa­monte ng Ateneo de Manila University sa first set bago kunin ang 22-20, 21-15 panalo.

Nahirapan rin sina Bernadeth Pons at Kyla Atienza ng Lady Tamaraws sa pagsungkit ng 21-23, 21-14, 15-10 panalo laban kina Tin Tiamzon at May Luna ng De La Salle University para samahan ang UST sa tuktok ng standings bitbit ang parehong 3-0 marka.

Pumasok naman ang University of the East sa win column matapos igupo nina Judith Abil at Angelica Dacaymat sina Roma Doromal at Audrey Paran ng National University, 21-14, 19-21, 15-11.

Ginapi nina Diana Carlos at Ayel Estrañero ng Uni­versity of the Philippines sina Adamson University pla­yers Bernadette Flora at Chrislyn Uy, 21-13, 23-21, para masolo ang No. 3 spot.

Sumalo ang Lady Warriors sa Lady Eagles, Lady Spi­kers at Lady Falcons sa ikaapat na puwesto hawak ang magkakatulad na 1-2 baraha, habang may 0-3 marka ang Lady Bulldogs.

Sa men’s division, namamayagpag sina Bryan Bagunas at James Natividad ng NU nang payukuin sina reigning titlists KR Guzman at Anthony Arbasto ng UST, 21-19, 13-21, 18-16, para masolo ang liderato.

Sumulong ang three-time champions na Bulldogs sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Nagwagi rin ang FEU laban sa Ateneo, 21-9, 15-21, 15-12, at UP, 21-17, 21-17, at nanaig ang Blue Eagles laban sa Green Archers, 21-12, 22-20. 

Nakatali sa three-way tie sa No. 2 ang FEU, Ateneo at UST na may magkakatulad na 2-1.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with