^

PSN Palaro

Honasan, Dumapong-Ancheta kuminang sa 5 gintong kinubra ng PHL Para squad

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Honasan, Dumapong-Ancheta kuminang sa 5 gintong kinubra ng PHL Para squad

Inangkin ni Cielo Honasan (kaliwa) ang kanyang ikatlong ginto sa athletics event  habang iginawad kay powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta ang kanyang ginto sa 9th ASEAN Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. (Para Games photo)
 

MANILA, Philippines —  Ang Team Philippines sa pangunguna nina Ceilo Honasan at Paralympian Adeline Dumapong-Ancheta ay nakasungkit na naman ng limang gintong medalya kahapon sa 9th ASEAN Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dahil sa matagumpay na araw makaraan ang walong gintong hinakot noong Miyerkules, ang Pilipinas ay nakalikom na ng 16 golds, 17 silvers at 18 bronze medals para manatili sa pang­limang puwesto at mapantayan ang kanilang 16-17-26 output sa nakaraang Singapore noong 2015.

Nananatili  pa rin ang Indonesia sa itaas ng medal tally sa 90-51-36 gold-silver-bronze haul at kasunod ang host Malaysia sa 68-63-51 habang ang Thailand ay pangatlo sa 44-49-57 at pang-apat ang Vietnam sa 33-48-46. 

Ang 15-anyos na si Honasan ay nagwagi sa 400-m run sa  T44 at T45 combined category sa oras na 63.35 segundo upang makumpleto ang kanyang pagiging reyna sa track competition makaraang manalo rin sa centerpiece 100-m at 200-m dash.

Ito na ang pinaka-matagumpay na pagsali ni Honasan sa kanyang career matapos madiskubre sa Palarong Pambansa.

“I just couldn’t control my emotions, that’s why I cried,” sabi ni Honasan na makakatanggap ng kabuuang P450,000 mula sa Philippine Sports Commission sa tatlong gintong napanalunan.

Ang ikalawang ginto ng Pilipinas ay mula kay 2000 Paralympics veteran Dumapong-Ancheta na nagwagi rin sa kanyang paboritong powerlifting event sa kanyang nabuhat na 116-kgs.

“I just want the gold, nothing else,” sabi ng 43-anyos na si Dumapong-Ancheta na nanalo rin ng bronze medal noong 2000 Sydney Paralympics.

Ang ibang ginto ng bansa ay mula kina Prudencia Panaligan sa three-wheeled sprinter event at wheelchair-bound thrower Cendy Asusano at blind thrower Rosalie Torrefiel.

Nakuha ni Panaligan ang ginto sa 200-m para sa T53/54 (33.46) habang ang 27-anyos na si Asusano ay nanalo sa discuss throw sa F54 category (14.06-m) at si Torrefiel naman ay bumato ng 20.75-m para sa ginto sa throw event.

Marami pang gintong medalya ang inaasahan ng Pilipinas mula sa chess team nina double-gold medal winner Sande Severino at Fernando Ridor.

Sa Dataran Putrajaya track, nag-silver naman sina Arthus Bucay (C5) at Godfrey Taberna (C4) at nag-bronze sina Roland Sabido sa 100m backstroke para sa S9 at Gary Bejino sa 100-m backstroke sa S7 category ng swimming competition.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with