Philippine men’s volleyball team kaagad bumalik sa ensayo para sa 2019 SEAG
MANILA, Philippines — Makaraang tumapos sa pang-anim na puwesto sa nakaraang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia ay kaagad bumalik sa ensayo ang mga miyembro ng Philippine men's volleyball team ni head coach Sammy Acaylar sa Arellano Gym sa Pasay City.
Matapos ang ensayo ay pupulungin sila ni Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) president Peter Cayco para sa mga plano ng asosasyon ukol sa maagang paghahanda sa 30th SEA Games sa Pilipinas.
Kahit nabigong umusad sa semis ay umani naman ang tropa ni Acaylar ng respeto mula sa mga bansang kasali sa nakaraang SEA Games.
Nagwagi ang koponan ni Acaylar sa kanilang huling laro kontra sa Timor Leste, 25-13 , 25-18, 25-11.
Dumaan muna sa butas ng karayom ang matatangkad na manlalaro ng Vietnam bago sila nanalo, 25-19, 25-21, 25-20, at pinahirapan naman ang Indonesia sa dikit na laban na umabot sa apat na sets, 25-21, 23-25, 35-33, 25-21.
Matikas na laro rin ang ipinakita nina Herschel Ramos, Mark Alfafara, Bonjomar Castel ng (Cignal HD), Setters Relan Taneo (UPH Altas), Geuel Asia (DLSU), Cebuano Dave Cabaron at Peter Quiel at libero Jack Kalingking (UPH Altas) para magapi ang Timor Leste.
“The team shows composure in our last game, they end the campaign in high note and shows respect in the tourney. We give them a good fight,” sabi ni Acaylar.
- Latest