Gilas bubuo ng Fil-foreign pool

MANILA, Philippines - Dahil sa schedule ng FIBA six-window, home-and-away qualifiers para sa 2019 FIBA World Cup ay mapipilitan ang Gilas na bumuo ng isang Fil-foreign pool na kanilang paghuhugutan ng naturalized player.

Balak ni Gilas head coach Chot Reyes na kumuha ng naturalized player kahit na nananatiling first option si Andray Blatche.

Sisimulan ng Gilas ang kanilang qualifying campaign sa isang road game laban sa Japan sa Nob­yembre 24 na posibleng hilingin ng Japanese team na iatras sa Nobyembre  23.

“The FIBA home-and-away schedule is making it difficult to get a naturalized player on a long-term basis,” wika ni Reyes.

Naglaro lamang sa isang torneo ang 30-anyos na si Blatche para sa Gilas matapos noong 2014 FIBA World Cup sa Spain noong Mayo, ngunit hindi naglaro sa Jones Cup, FIBA Asia Cup at SEA Games.

Wala ring katiyakan kung makakalaro siya sa unang apat na laro ng Gilas sa first round ng qualifiers dahil mayroon pa siyang live contract sa Chinese Basketball Association (CBA) na ang season ay tatakbo sa Oktubre hanggang Abril.

  Matapos ang Japan ay lalabanan naman ng Gilas ang Chinese-Taipei sa Nov. 27 kasunod ang Australia sa Feb. 22, Japan sa Feb. 25 (pending adjustment to Feb. 27), Chinese-Taipei sa June 29 at Australia sa July 2.

Ang top three finishers sa Group B ay aabante sa second round kung saan makakaharap nila sa home-and-away games ang top three finishers ng Group D.

Ang Group B ay binubuo ng Pilipinas, Japan, Chinese-Taipei at  Australia, habang nasa Group D ang Kazakhstan, Iran, Iraq at Qatar.

Show comments