^

PSN Palaro

Atleta under pressure sa target na 50 golds

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Naku tapos na ang 29th Southeast Asian Games 2017 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia. Bigyang parangal natin ang mga atleta na nakapag-uwi ng medalya buhat sa nasabing biennial meet.

Talaga namang kayod marino ang ginawa ng mga batang ito para lang mabigyan ng karangalan ang Pilipinas. Nakakatuwa lang isipin na ang mga atletang ito ang talagang nagsusumikap para makuha yung target na 50 gold medals para sa kampanya ng bansa.

Gayunpaman, bigo pa rin tayo na makuha ang 50 golds na ayon kay SEAG Chief de mission Cynthia Carrion ay kayang-kaya na maiuwi ng mga atleta natin.

Sa ngayon, 24 golds lang ang naiuwi ng Pilipinas, umabot naman sa 50, mahigit pa nga e, kaso, isasama natin yung mga golds na nakuha two years ago. Well, of course hindi naman ganun ang bilangan.

Ang nais lamang nating ipahiwatig dito, ay bakit ba nabigo tayo na makuha yung target na golds? Sapat ba ang training ng mga atleta natin? naihanda ba sila nang maayos para sa nasabing kompetisyon? O maaaring dahil under pressure sila sa target na golds?

Hindi biro ang makakuha ng gold sa mga ganitong klaseng kompetisyon. Kung tutuusin, sa 24 golds, dapat target na yun e. Imagine makakuha ka ng ganoong karaming ginto, sa SEAG, nakaka-proud na ‘yun.

Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit 50 golds ang sinabing target, sana naisip ninyo na noong 2015 SEAG 29 golds ang nakuha natin, kung 32 golds lang sana tinarget ninyo hindi mape-pressure ang mga atleta.

Hindi sa dami ng ginto nasusukat ang panalo ng isang bansa sa kompetisyon, technically oo, pero sabi nga, it’s how you played the game. Hindi ba dapat na maging proud tayo nang husto kasi nakakuha ng more than 20 golds ang Pilipinas sa SEAG?

Ang masakit pa nito, hinahabol pa natin yung isang ginto sa taekwondo, by protest. Kung may matibay ka­yong batayan sa protesta ituloy ninyo, pero kung ilalagay lang natin sa kahihiyan ang atleta, please, huwag na po.

Nakakalungkot isipin na magaling lang magmando nang magmando ang Kumisyon ng Olimpiyada natin dito, bakit hindi ninyo subukan na sumabak sa laro tingnan natin kung makakuha kayo ng 50 golds.

Sa lahat ng atleta na sumabak sa 2017 Kuala Lumpur SEAG, Mabuhay kayong lahat. Kahit gold, silver, bronze o wala man kayong naiuwing medalya, saludo kami sa inyo sa dedikasyon na ipinakita ninyo at sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.

Salamat sa inyong lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with