^

PSN Palaro

Maharlika Pilipinas bagong liga

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Maharlika Pilipinas bagong liga

Sinasagot ni Sen. Manny Pacquiao ang tanong ng media habang nakamasid sina (mula kaliwa) Satar Macantal, Asst. Commissioner; Snow Badua, League Commissioner at Zaldy Realubit, Operation Head sa press conference ng Maharlika Pilipinas Basketball League sa Aristocrat Hotel Manila. Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Ang bawat Filipino ball player ay may pangarap na mapanood siya sa nationwide television sa pinakamalaking professional basketball league.

Ngunit karamihan dito ay hindi natutupad dahil sa matinding kumpetisyon o kakulangan ng pagkakataon.

Inilunsad kahapon ang Maharlika Pilipinas Basketball League na magbibigay sa mga players mula sa mga barangay ng tsansang maitampok ang kanilang talento.

Inihayag ni MPBL commissioner Snow Badua ang pagbubukas ng kanilang inaugural season sa Set­yembre 23.

Magkasabay na idaraos ng MPBL ang torneo para sa mga barangay at local government units.

“Ito ang paboritong laro nating mga Pilipino. Maliit ka man o malaki pwede kang maglaro,’’ sabi ni Sen. Manny Pacquiao na tuma­yong special guest.

“This league will provide more opportunities for aspiring players out there to make it big in basketball,’’ dagdag pa ng boxing icon at eight-division boxing world champion.

Sinabi ni assistant commissioner Satar Macantal na walong koponan ang mag-aagawan para sa Supremo Crown, ang overall championship trophy matapos ang limang kumperensya.

Itatakda ang mga laro tuwing Martes, Huwebes at Linggo sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with