^

PSN Palaro

Philippine ice hockey team di’ dapat maliitin

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Philippine ice hockey team di’ dapat maliitin

KUALA LUMPUR - Ang pagdiriwang ng Philippine ice hockey team matapos kunin ang gold medal noong Huwebes.

Kuala Lumpur – Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagbigay ng gintong me­dalya para sa Team Philippines ang national ice hockey matapos ang kanilang dramatikong 5-4 panalo laban sa mas pinapaborang Thailand sa finals noong Huwebes ng gabi sa 29th Southeast Asian Games sa Empire City Arena dito.

Isinalarawan ni ice hockey team manager Petronilo Tigaronita ang kanilang malaking panalo laban sa Thailand sa kuwento ng “David and Goliath.”

“You can’t underestimate our players and anybody else in ice hockey in the region, Thailand could not be beaten. But we did it,” wika ni Tigaronita sa kanilang makasaysa­yang panalo laban sa mga Thais. “They were supposed to be the better team.”

Ang Pilipinas at Thailand ay pumasok sa finals na kapwa wala pang talo kung saan lumamang pa ang mga Pinoy sa 5-3 makaraan ang tatlong quarters.

“We were up 5-3 in the last five minutes but they scored one more goal. The team and coach (Daniel Brodan) really played it smart by playing the clock and dumping the puck. More on the defensive kami,” dagdag ni Tigaronita.

Malaki ang naitulong ni forward Nico Cadiz sa panalo matapos umiskor ng winning goal at sa defensive brilliance ni Fil-Swiss goalkeeper Gianpeitro Iseppi.

“Iseppi was really good in warding off the Thais’ dangerous shot. He must have saved 40 shots during the course of the game. GP (Iseppi) was our keystone in defense. He was amazing inside,” sabi ni coach Daniel Brodan.

Dahil sa kanilang panalo ay inaasahan ni Tigaronita na makikilala at magkakaroon ng maraming tagasubaybay ang ice hockey sa Pilipinas.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with