Frayna laglag sa Ukrainian WG

MANILA, Philippines -  Hindi naipagpatuloy ni Janelle Mae Frayna ang winning form matapos matalo sa fourth seed at kapwa Woman Grandmaster na si Evgeniya Doluhanova ng Ukraine noong Miyerkules ng gabi sa Women’s International Open sa Erfurt, Germany.

Dahil sa pagkatalo, hindi na nakasama si WGM Frayna sa top 10 matapos ang anim na round at nanatili ng hawak ang 3.5 puntos.

Nagpakita ang 21-anyos na si Frayna ng malaking pag-asa matapos manalo kay WGM Galina Strutinskaia ng Russia at nakasungkit pa ng tatlong tabla laban kay  WGMs Joanna Majdan ng Poland at  Ilze Berzina ng Latvia at Woman International Master Nino Khomeriki ng Georgia.

Ang iba niyang panalo ay laban kay Victoria Wagner ng Germany sa opening round ng torneo.

Hangad ngayon ng da­ting Far Eastern University standout at cum laude graduate na bumawi sa masaklap na talo sa kanyang pakikipagtuos kay Linda Kruminda ng Latvia ya sa ika-pitong round.

Ang kampanya ni Frayna sa Erfurt, Germany ay ang kanyang pangatlo sa European tournaments sa hangarin na pumasok sa top 10 sa  world’s women’s rankings at maging kauna-unahang male GM ng bansa.

Show comments