Milo Marathon Manila leg pakakawalan ngayon

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng mga partisipante ang dalawang tiket para sa National Finals ng Milo Marathon sa pag­larga ng Metro Manila leg ngayong umaga sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Noong nakaranag taon ay dinomina nina five-time Milo Marathon King Eduardo “Vertek”Buenavista at veteran Luisa Raterta ang Metro Manila leg.

Nagsumite si Buenavista ng bilis na 02:45:34 para ungusan sina Cresenciano Sabal (02:54:20) at Roger Denolo (02:54:53) sa men’s division.

Tinalo naman ni Raterta (03:15:00) sa women’s class sina Jho-an Banayag (03:17:47) at Cinderella Lorenzo (03:20:03).

Ang lahat ng mananalo ay tatakbo sa Milo National Finals sa Disyembre 3 sa Cebu City.

Sina Mary Joy Tabal (2:47:49) at Jeson Agravante (2:35:13) ang nagkampeon sa 2016 Milo National Finals na idinaos sa Iloilo City.

Show comments