San Beda umiskor sa BEST Center

Restaurateur par excellence Rod Ongpauco (former actor Rod Evans) at his Isdaan Talavera, Nueva Ecija.

MANILA, Philippines -  Kumamada si Liam Rasheed Salangsang ng 11 points para bande­rahan ang San Beda College-Rizal sa 32-27 paggiba sa  Notre Dame of Greater Manila sa Best Center-organized SBP-Passerelle twin basketball tournaments no­ong Linggo sa Xavier School gym.

Ang nasabing panalo ang nagtaas sa SBC-R sa Group A ng Small Bas­keteers Philippines (SBP) para makasosyo ang La Salle-Greenhills A, pi­nabagsak ang Lourdes School of Quezon City, 62-22, sa isa pang laro sa Group A na pinanood nina special opening day guests Lester Castillo, ang inco­ming Milo Sports Marketing Executive, at dating Philippine Basketball Association player at Best Center alumnus Benjie Paras.

Tinalo ng Marist School ang LSGH-B, 41-33, habang giniba ng Ate­neo ang College of San Benildo-Ri­zal, 58-31, sa Group B.

Inilampaso naman ng Nazareth School of Natio­nal University ang San Se­bastian College, 82-43, para makasama ang Adamson, iginupo ang LSGH-B, 59-42, sa Group A ng Passerelle.

Show comments