^

PSN Palaro

Perlas sinilaw ang Adamson

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Perlas sinilaw ang Adamson

Nablangka ni Amanda Villanueva ng Perlas ang spike ni Rizza Cruz ng Adamson kahapon sa PVL Open Conference. Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Iginupo ng Perlas Spi­kers ang Adamson Universi­ty, 25-18, 25-16, 21-25, 25-21, upang sumampa sa winner’s column ng Premier Volleyball League Open Con­ference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Kumuha ng lakas ang Perlas Spikers kay dating University of the Philippines skipper Katherine Bersola na nagrehistro ng 13 puntos mula sa 9 attacks, 3 blocks at 1 ace.

“We just enjoyed the game. It showed how we really wanted this game. Pero kailangan pa naming i-improve ‘yung communication namin and defense namin,” ani Bersola na kamakailan lamang ay nagtapos bilang Summa Cum Laude sa UP.

Nakatuwang nito si Ni­cole Tiamzon at Amy Aho­miro na pumuntos ng ma­hahalagang attacks at aces sa huling sandali ng laro, habang naasahan naman sa depensa si Gizelle Tan na may 23 digs at 11 receptions.

Umangat ang Perlas sa 1-2 rekord habang lumasap ng ikalawang sunod na ka­biguan ang Lady Falcons pa­ra manatili sa ilalim ng standings.

Nasayang ang pinaghirapan nina Adamson open hitters Jema Galanza at May Roque, at opposite spi­ker at Christine Soyud na dating manlalaro ng De La Salle University Lady Spikers.

Sa men’s division, mabi­lis na dinispatsa ng Mega Builders ang Gamboa Coffee Mix sa pamamagitan ng 25-23, 25-11, 25-16 pagbomba upang masolo ang liderato tangan ang malinis na 3-0 baraha.

Nagsilbing lakas ng Me­ga Builders sina National Uni­versity standouts Kim Ma­labunga at Fauzi Ismail na may pinagsamang 22 puntos, habang nagdag­dag ng pito si Madzlan Gampong at anim naman si James Natividad.

Nalaglag ang Coffee Mi­x sa 0-2 rekord kung sa­an walang manlalaro nito ang umabot sa double di­gits. Tanging walo lamang ang nagawa ni Philip Bagalay at anim si Sam Damian.

Dinungisan naman ng Phi­lippine Army ang rekord ng Philippine Air Force sa bi­sa ng 25-20, 23-25, 17-25, 25-22, 16-14 panalo tampok ang 20 puntos na pro­duksyon ni Ben Labide.

Umangat sa 1-1 ang Troopers, samantalang bagsak sa 2-1 ang Jet Spikers.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with