BRISBANE, Australia -- Halos isang oras na pinaghintay ni Manny Pacquiao ang mga mediamen, ngunit pinahanga niya ang mga ito sa kanyang pag-akyat sa boxing ring noong Martes.
Sa loob ng isang oras kasama si head trainer Freddie Roach ay nagpasikat si Pacquiao kung saan siya nag-shadow boxing na tila nakatayo sa kanyang harapan si Jeff Horn.
Sa mga breaks ay hindi naiwasan ni Pacquiao na magbitaw ng mga jokes sa kanyang mga kasamahan na nasa ringside, isang malinaw na senyales na tapos na ang matinding pagsasanay at handa na siya sa Linggo.
Para sa ilang miyembro ng Australian press, ito ang kanilang unang pagkakataon na makita si Pacquiao sa ibabaw ng ring.
“Showtime,” sabi ng isang miyembro ng Team Pacquiao sa pagsigaw ng eight-division champion nang sumuntok sa hangin.
Bago ang media workout ay hinarap muna ng Filipino senator ang press para sa ilang katanungan.
Isa ang nagtanong na “How many rounds?”
“Twelve rounds. We’re fighting twelve rounds,” sagot naman ni Pacquiao tungkol sa knockout.
“Knockout? I don’t know,” dagdag pa nito.
Isang female reporter ang nagtanong kay Pacquiao kung handa na siyang turuan ng leksyon ni Horn sa Linggo.
Si Horn ay isang dating school teacher.
“What I can say is that it's good that he (Horn)'s a teacher. Also, I'm a teacher -- in the ring,” ani Pacquiao, nakasuot ng boxing attire at isang Golden State Warriors cap sa kanyang ulo.
Napansin ang pamumula ng kaliwang mata ni Pacquiao.
‘It’s just my contact lens,” wika ni Pacquiao. ‘I’m okay. No problem.” Ito ay nakuha ni Pacquiao sa isang sparring session kamalawa.