^

PSN Palaro

Valdez pipiliting pasikatin ang bituin ng Team Phl

Pilipino Star Ngayon
Valdez pipiliting pasikatin ang bituin ng Team Phl

Babanderahan ni Alyssa Valdez ang kampanya ng Pilipinas sa 2017 SEA Games.

MANILA, Philippines - Matapos tulungan ang Creamline na masungkit ang third place trophy sa Premier Volleyball League Reinforced Conference ay may mas malaking misyon si Alyssa Valdez na tututukan sa mga susunod na araw.

Ito ay ang tulungang maibalik ang ningning ng wo­men’s national team sa international competitions, kabilang na ang 2017 Southeast Asian Games na idaraos sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Sa national team naman ang focus ko ngayon. Sana maging maganda ang resulta namin this time. Sana ka­tulad ng dati, maraming sumuporta sa amin sa la­ban na­min,” wika ni Valdez na tumayong flag bearer noong 2015 SEA Games sa Singapore.

Sariwa pa si Valdez sa matamis na pagkopo ng Sea­son Most Valuable Player award sa PVL na itinuturing nitong panibagong inspirasyon upang mas lalo pang pag­butihin ang kanyang mga ginagawa.

“Magadang reminder ito para sa akin na mas kaila­ngan ko pang i-push ang sarili ko. Kailangan ko pang mag-improve at marami pang matututunan para mas lalo pang gumanda ang laro ko,” dagdag ni Valdez.

Maliban sa MVP award, itinanghal rin si Valdez na First Best Outside Spiker upang higit na paningningin ang kaniyang pangalan tangan ang ilang tropeong na­kahilera na sa kanyang harapan.

Malaki ang kontribusyon ni Valdez para maitala ng Cool Smashers ang 2-0 panalo laban sa Power Sma­shers sa best-of-three series ng battle for third.

Nakuha ng Creamline ang 25-20, 25-18, 25-15 pa­nalo sa Game One at ang 25-20, 11-25, 25-20, 25-19 pa­nanaig sa Game Two.

Ngunit binigyang-puri rin ni Valdez sina American import Laura Schaudt at Thai reinforcement Kuttika Kaewpin na naging kaakibat nito para makuha ang panalo.

“Sobrang determined sila na manalo. Nakikita mo sa galaw nila na gusto talaga nilang tulungan ‘yung team na manalo. Kaya kaming mga local players, kailangan din naming magtrabaho at tulungan sila. And I’m happy na maganda ang resulta,” ani Valdez.

Sa ngayon, naghahanda na si Valdez sa panibagong hamon na haharapin nito kasama ang national team.

Maliban kay Valdez, pasok rin sa Final 12 sina Jaja Santiago, Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Ces Molina, Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, Kim Fajardo, Denden Lazaro, Gen Casugod, Jovelyn Gonzaga at Aby Maraño habang nasa reserve list sina Dawn Macandili at Rachel Anne Daquis.

Unang sasalang ang national team sa 2017 Asian Wo­men’s Seniors Championship bago tumulak sa Malaysia para sa SEA Games.

Sasailalim rin ang koponan sa ilang training camp at tune-up games sa Japan bilang paghahanda sa nasabing dalawang malalaking torneo. (Chris Co)

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with