Hindi problema ni Manny Pacquiao ang jetlag para sa laban niya kay challenger Jeff Horn sa Brisbane, Australia sa July 2.
Dalawang oras lang kasi ang time difference ng Pinas sa Australia. Ahead ang Australia.
Kaya kung alas-dose ng tanghali dito sa atin ay alas-dos ng hapon doon.
“No problem. Two hours lang,” sabi ni Pacquiao.
Dahil dito ay balak niyang pumunta sa Australia one week na lang bago ang laban.
Ibang kaso sa United States kung saan mahigit 12 oras ang time difference.
Kaya nahihirapan ang katawan sa jetlag dahil ang oras na sanay ang katawan mo na tulog ay gising ka doon.
Dahil sa jetlag ay mararanasan mo na madaling araw na ay gising na gising ka pa.
At tanghaling tapat naman ay antok na antok ka pa.
Naiiba kasi ang oras na kinasanayan ng katawan mo.
Kaya naman kapag sa US ang laban, sinisuguro ni Pacquiao na nandun siya ng matagal para masanay na ang kanyang katawan sa tamang oras ng tulog.
Minsan naman na sa Pinas siya nag-training at pumumunta lang sa US two weeks before the fight, makikita mo na hirap siya sa jetlag.
Ilang beses nang na-cancel ang ensayo sa gym sa hapon dahil sa jetlag, at pinapayagan naman ni coach Freddie Roach na magpahinga na lang si Pacquiao.
Minsan ay kulang ang isang linggo bago mawala ang jetlag.
Pero oras naman na masanay ka ay balik sa normal ang tulog na.
Problema na lang ulit ito pagbalik mo sa Pilipinas.
Good night.