PCU giniba ang FEU-NRMF
MANILA, Philippines - Pinabagsak ng Philippine Christian University ang dating walang bahid na FEU-NRMF-Gerry's Grill, 98-97, sa 2017 MBL Open basketball championship sa EAC Sports Center.
Humataw sina Michael Ayonayon at Jon Von Tambeling ng pinagsamang 61 points para sa ikalawang dikit na panalo ng Dolphins at makasosyo ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel sa maagang liderato.
Naasap ng FEU-NRMF ang una nitong kabiguan at sumadsad sa 3-1 kartada.
Si Ayonayon ay umiskor ng 31 puntos, kabilang ang 21 sa second half, habang si Tambeling ay nag-ambag ng 30 puntos.
Ang Fil-Canadian sensation na si Clay Crellin ang nanguna para sa Tamaraws mula sa kanyang 23 points.
Nakatuwang niya sina Glen Gravengard, Erwin Sta. Maria at Raniel Jake Diwa na may 18 at tig-16 markers, ayon sa pagkakasunod.
Nalusutan ng CdSL-V Hotel ang MLQU-Victoria Sports, 89-79, at dinurog ng Diliman College-JPA Freight Logistics ang Emilio Aguinaldo College, 72-56.
- Latest