^

PSN Palaro

MCTA Community Coaches Conference ng PPS-PEPP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magdaraos ang Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala ng three-day MCTA Commu­nity Coaches Conference simula ngayon sa Maasin, Ley­te kasabay ng PPS-PEPP age-group tournament sa Maasin City Tennis Courts.

Pamumunuan ni Mayor Nacional Mercardo ang se­minar-clinic na bahagi ngayon ng nationwide program na itinatag ng PPS-PEPP sa pakikipagtulungan sa Macs Crankit Tennis Academy of Australia na naghahangad na makapagbigay ng “high quality experience” sa bawat coach at player.

Si MCTA coach Patricia Concon-Puzon ang mangu­nguna sa Teachers Conference at libreng tennis clinic pa­ra sa grassroots at advance sa ilalim ng Australian Ten­nis Professional Coaches Association.

Samantala, humigit-kumulang sa 300 lahok mula sa  Iloilo, La Carlota, Gen. Santos City, Digos, Sarangani, Ma­laybalay, Bukidnon at Cebu ang nagpalista para sa PPS-PEPP age grouper.

May mga kalahok din mula sa Ormoc, Tacloban, Baybay, Hilongons, Bato, Matalon, Samar, Guiuan, McArthur at host city, ayon kay Maasin City at PPS-PEPP sports coordinator Embet Aya-ay.

“This is the first time that we’re hosting a big tournament such as this and we hope to produce a new Ringo Navarosa. We’re also inviting all tennis aficionados and Dep-Ed teachers who may want to level up their coaching career,” sabi ni Mercado.

Orihinal na itinakda sa Mindanao region, nagdesisyon ang mga organizers na gawing nationwide affair ang tea­chers’ confab at clinics bilang sagot sa kahilingan ng mga LGUs na tulungang mapalakas at mai-promote ang tennis para sa kanilang mga youth programs.

“We thank the MCTA, ATPCA and Babolat for expanding this project to the nationwide level where players with potentials, along with Filipino coaches, can be tapped for training in Australia,” sabi ni Palawan Pawnshop pre­sident/CEO Bobby Castro.

 

PALAWAN PAWNSHOP-PALAWAN EXPRESS PERA PADALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with