^

PSN Palaro

Maamo pinaamo ang Chinese boxer

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Palicte, Bacho sibak na

 MANILA, Philippines -  Nagwagi si Dannel Maamo laban kay Chang Yong ng China upang ipagpatuloy ang mithiin na medalya sa ASBC Asian Elite Championship na ginanap sa Uzbekis­tan National Sports Complex  ng Tashkent, Uzbekistan.

Lumaban ng tod ang 20-anyos na si Maamo, tubong Cagayan de Oro City, sa pamamagitan ng left and right combination at umiilag sa malakas na mga suntok mula sa Chinese boxer.

Ngunit nagkaroon ng hindi naiwasang head butts sanhi ng malaking sugat sa right eyebrow ni Yong. Tumatagas na ang maraming dugo kaya hininto ni Iranian referee Farhad Sadeghpour ang kanilang laban mula naman sa suhestiyon ng ring physician sa ikalawang round ng flyweight division (52-kgs.).

Nang tingnan ng referee ang scorecards ng mga hurado para suriin kung sino ang lamang, naipanalo ng protegee ni CDO Mayor Oscar Moreno na si Maamo ang laban para umabante sa susunod na round.

Hindi naman pinalad sina first day winner James Palicte at welterweight Joel Bacho sa kanilang magkahiwalay na laban.

Yumuko si Palicte kay number 2 seed Elnur Abduraimov ng Uzbekistan sa kanilang lightweight bout via unanimous decision habang si Bacho ay natalo kay Sajjad Kazemzadeposhtiri ng Iran.

Magpapatuloy ang quar­­­terfinal round na mayroon na lamang 20 bansa sa orihinal na 28 ang nanatiling may pag-asa kabilang na ang tatlong boxer mula sa ABAP  team.

Ang matatalo sa quarterfinals ay lalaban sa huling dalawang slots para sa 2017 World Championships na gaganapin sa Hamburg, Germany sa Agosto  4.

Ang lahat ng makakapasok sa semifinal round ang susuntok sa  championship sa nasabi ring buwan.

DANNEL MAAMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with