^

PSN Palaro

Bautista binugbog ang Kyrgistan boxer

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwagi si Mario “Jordan” Bautista kontra kay Sirozhiddin Abdullaev ng Kyrgistan, 5-0 para sa magandang simula ng ABAP national boxing team sa ASBC Asian Elite Men’s Championship na ginaganap sa Tashkent, Uzbekistan.

Dinomina ng 20-anyos na si Bautista, nakakaba­tang ka­­patid ni SEA Games at China Open gold me­dalist Ian Clark Bautista, ang kanilang bantamweight (56-kgs.) bout tungo sa malaking panalo ng 6-man RP boxing team.

Nagbitiw si Bautista ng left at right combination at counter punches para pabagsakin si Abdullaev sa ikala­wang round para  manalo sa score cards ng mga judges.

Susubukan naman nga­­yon ni Bautista ang No. 3 seed na si Kairat Ye­raliyev ng Kazakhstan sa su­sunod na laban.

Nanalo rin ang lightweight na si James Palecti, na magdiriwang ng kanyang ika-23 kaarawan bukas kay Muhamad Bin Ahmad ng Singapore sa parehong 5-0 iskor.

Sa iba pang laban nag­wagi rin ang welterweight na si Joel Bacho ng Mandaluyong kay Elmer Sakenov ng Kyrgistan, 4-1.

Mataas ang kumpiyan­sa ni Bacho, mag-aaral mula sa University of Ba­­guio, na sumabak sa ak­syon bunga ng kanyang nakuhang panalo laban kay Aristoidys Despaigne ng Cuba sa King’s Cup tour­nament na ginanap sa Thailand noong nakaraang buwan.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si ABAP president Ricky Vargas sa buwenamanong panalo ng mga Pinoy boxers at pinaalalahan ang buong koponan na huwag magkumpiyansa at magtiwala sa kanilang sarili.

BAUTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with